Popular Posts

Tuesday, December 14, 2010

PWNW Hosts Hail World Boxing Champion Nonito Donaire

Nagmistulang welcome home party ang episode ng Pilipinas Win Na Win (PWNW) kahapon dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay-pugay ang hit na hit na noontime show kay two-divisionWorld Boxing Champion Nonito Donaire, na kararating lang sa bansa upang dito ipagdiwang ang kapaskuhan.
Proud na proud ang mga PWNW Hitmakers na sina Rico J Puno, Rey Valera, Nonoy Zuñiga at Marco Sison sa pag-awit para sa natatanging boksingero. Ani ng mga champion sa musika, anumang laban daw ang harapin ni Donaire ay tiyak na susuportahan nila ito.
Hawak ang makulay na bandila ng Pilipinas, hindi magkamayaw ang mga audience sa pag-cheer kay Donaire. Samantalang ang maybahay naman niyang si Rachelle ay masaya siyang pinanood kasama ang iba pang PWNW hosts na sina Pokwang, K Brosas at Valerie Concepcion.
Ipinamalas din ng kampyeon na boksingero ang kanyang tinatagong talento sa pagkanta. Ka-duet ang mga Hitmakers, swabeng-swabeng inawit ni Donaire ang “More Than Words.” Kilig na kilig naman ang mga audience sabay ang pagtutok ng camera kay Rachelle.
“Upang magtagumpay sa buhay, kailangan lang talaga ay tiyaga, disiplina at higit sa lahat, tiwala sa sarili,” payo ni Donaire sa kanyang mga tagahanga.
Matatandaan na kamakailan lang ay pinataob ni Donaire ang Ukranian na si Wladimir Sidorenko sa isang sagupaan na ginanap sa Honda Center sa Anaheim, California. Ito na ang ika-24 na sunod-sunod na panalo ni Donaire.
Sa darating na Pebrero 19, muling sasabak si Donaire sa ring upang muling pabagsakin ang kanyang kalaban na si WBC bantamweight king Montiel. Nais ng ng Pinoy na boksingero na muling makasungkit ng titulo at sundan ang yapak ng kanyang iniidolong si People’s Champ Manny Pacquiao.
Samantala, nakatakda din ang pagpapakasal nina Donaire at Rachelle sa Nobyembre 11 ng susunod na taon na itatapat sa 11.11.11. Masuwerte daw kasi ang numero uno para sa boksingero kaya niya napili ang petsang ito.
Sa Sabado, guest naman ang kampeon ng tahanan, si Tanging Ina Ai-ai de las Alas.
Diba nga’t milyun-milyong tuwa ang hatid ng Pilipinas Win na Win ngayon at magpakailanman kaya’t tutok na’t makisaya dahil ikaw ang bida dito Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment